Welcome
Login / Register

Kapitan ng barko na napagkamalang police intel, kinuyog ng mga militanteng grupo

 

Manila, Philippines – Pasa sa katawan at bukol sa ulo ang tinamo ng isang kapitan ng barko matapos na kuyugin ng mga militanteng grupo na nagsaawa ng kilos protesta sa TM Kalaw Ermita Manila.

Ayon kay Capt. Melchor Duran naglalakad siya at nakiusyoso sa ginagawang rally ng mga militanteng grupo at mga katutubo nang biglang hatakin at pinagsisipa ng mga militanteng grupo.

Mabuti nalamang ay agad naawat ng mga unipormadong pulis na nakadeploy sa lugar kaya hindi na gaanong nabugbog ng husto ang kapitan ng barko.

Paliwanag ni Capt. Duran napagkamalan umano siyang Intel ng MPD kaya siya hinatak at kinuyog ng mga militanteng grupo.

Plano ni Duran na magsasampa ng kasong physical injury sa General Assignment Divion ng MPD laban sa mga gumulpi sa kanya.

Post your comment

Comments

Be the first to comment